Ipinagmalaki ng sexy actress na si Asia Agcaoili na kabilang ito sa TV commercial sa New Zealand.

Ayon sa dating miyembro ng Viva Hot Babes, ang nasabing commercial ay tumatalakay sa kampanya ng nasabing bansa para malabanan ang COVID-19.

Nasa 10 taon na kasing naninirahan ang sexy actress sa New Zealand.

Ang TV ad na may pamagat na ‘Unstoppable Summer” ay siyang unang proyekto umano ng actress mula ng nanirahan na ito sa New Zealand.

Umaasa ito na sa pamamagitan ng nasabing commercial ay magsisimula na ang kaniyang panunumbalik sa showbiz sa nasabing bansa.

-- Advertisement --