Isinawalat ng mga dating US Capitol security officials na nagkaroon ng intelligence failures sa nangyaring riot noong Enero 6.

Nakahanda umano ang mga lumusob na protesters sa giyera dahil kumpleto ang mga ito ng gamit gaya ng armas, radio at mga climbing gear.

Sa pagtestigo ni ex-Capitol Police Chief Steven Sund na nakahanda rin sila sa nasabing protesta.

Magugunitang apat ang nasawi sa paglusob ng mga protesters sa Capitol noong Enero 6 na kinabibilangan ng isang pulis.

Dahil sa pangyayari ay sinampahan ng kaso si dating US President Donald Trump dahil umano sa panghihikayat sa mga supporters nito na lusubin ang US Capitol na kalaunan ay naibasura sa senado.

-- Advertisement --