Hinatulang makulong ng apat na buwan ang top aide ni dating US President Donald Trump na si Steve Bannon.
Bukod pa dito ay pinagbabayad pa siya ng $6,500 dahil sa contempt of Congress.
Ang nasabing hatol ay mas mababa kumpara sa unang rekomendasyon Federal prosecutors na mahatulan dapat si Bannon ng anim na buwan at patawan ng multa ng hanggang $200,000.
Ibinaba ang hatol ni Judge Carl Nichols isa sa appointee ni Trump.
Nitong mga nakaraang araw ay inirekomenda ng federal prosecutors na dapat mabigyan ng mas mabigat na kaparusahan si Bannon dahil sa pagbalewala sa kongreso na may kaugnayan sa January 6 US Capitol riot.
Bibigyan pa ng 14 na araw si Bannon na umapela sa kaso at kapag hindi naghain ng appeal ay gagawa ito ng arrangements kung siya ay boluntaryong susuko ng hanggang Nobyembre 15.
Paglilinaw naman ng abogado ni Bannon na palno nilang iapela ang hatlo sa US Court of Appeals para sa DC Circuit.