-- Advertisements --
Hindi na kukuwestiyunin ni dating Pres. Rodrigo Duterte ang kakayahan na mamuno ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. subalit marapat na hindi na nito galawin ang konstitusyon.
Sinabi nito na alam niya ang kakayahan ni Marcos sa pamumuno ng bansa subalit ibang usapin kung gagalawin pa ang konstitusyon.
Iginiit nito na kapag ginalaw ang konstitusyon ay tiyak na maraming mga mamamayan niya ang aalma.
Magugunitang isinusulong ng ilang mambabatas ang constitutional amendment na mariing kinokontra naman ng dating pangulo.