IMG 20191021 123542

Patong-patong na kaso ang isinampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban kay dating PNP Chief Oscar Albayade matapos maisama na ang kanyang pangalan sa ammended referral complaint sa pagpapatuloy ng reinvestigation sa isyu ng “ninja” cops o mga pulis na nagre-recycle umano ng iligal na droga partikular ang mga pulis sa Pampanga noong 2013.

Kasong paglabag sa Section 3 o causing undue injury to the government giving undue advantage to other persons ng RA 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act; Section 27 ng RA 9165 o mishandling of evidence; Article 171 ng Revised Penal Code (RPC) at Article 208 ng RPC o dereliction of duty ang isinampa sa heneral.

Nagprisinta rin ng karagdagang testigo at sinumpaang salaysay ang PNP-CIDG.

IMG 20191021 123646

Kabilang sa testigo ng PNP-CIDG si CIDG Major Crimes Investigation Unit head Lt. Col. Julius Sagandoy at ilang barangay official ng Mexico sa Pampanga.

Sa pagdinig, no show pa rin ang respondent at sinasabing team leader ng isinagawang drug raid na si Police Major Rodney Raymundo Louie Juico Baloyo IV.

IMG 20191021 123714

Maliban kay Albayalde at Baloyo kasama rin sa mga sinampahan ng kaso sina:

  • Police Senior Insp. Joven Bognot De Guzman Jr
  • SPO1 Jules Lacap Maniago
  • SPO1 Donald Castro Roque
  • SPO1 Ronald Bayas Santos
  • SPO1 Rommel Munoz Vital
  • SPO1 Alcindor Mangiduyos Tinig
  • SPO1 Dante Mercado Dizon
  • SPO1 Eligio Dayos Valoroso
  • PO3 Dindo Singian Dizon
  • PO3 Gilbert Angeles De Vera
  • PO3 Romeo Encarnacion Guerrero Jr
  • PO2 Anthony Loleng Lacsamana

Mga kasong paglabag sa Sections 27, 29 32 at 92 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, paglabag sa Section 3(a) at (e) ng RA 3019 Qualified Bribery (Art 211-A ng RPC) Falsification of Public Documents (Article 171 ng RPC at Penury in Solemn Oaths sa ilalim ng Article 183 ng RPC at Article 208 ng RPC o dereliction of duty against officers and personnel of the Philippine National Police (PNP) ang isinampa sa mga respondent.

Ipagpapatuloy ang preliminary investigation sa Nobyembre 5 dakong alas-10:00 ng umaga sa DoJ.

Naungkat ang isyu ng ninja cops sa pagdinig ng Senado sa isyu ng good conduct time allowance (GCTA) Law.

Kabilang naman sa DoJ panel of prosecutors na nag-iimbestiga sa kaso sina Senior Assistant State Prosecutor Alexander Suarez, at Assistant State Prosecutors Josie Christina Dugay at Gino Paolo S. Santiago.