-- Advertisements --

Itinuro ni dating Pakistan Prime Minister Imran Khan ang mga kasalukuyang opisyal ng bansa na nasa likod ng pamamaril sa kaniya habang ito ay nasa kilos protesta.

Sinabi nito na malinaw aniya na sina Prime Minister Shabaz Sharif, interior minister Rana Sanaullah at senior intelligence official Major General Faisa ang siyang nasa likod ng tangkang pagpatay sa kaniya.

Dagdag pa nito na ilang araw bago ang pamamaril sa kaniya ay may mga impormasyon na ito ng nakuha na target siyang barilin.

Kinontra naman ng Inter-Services Intelligence (ISI) ang intelligence agency ng Pakistan na ang alegasyon ni Khan ay ‘baseless’.

Nararapat aniya na maimbestigahang mabuti ang alegasyon ito ng dating prime minister.

Magugunitang isang katao ang nasawi at ilan ang nasugatan ng barilin si Khan habang ito ay nasa kilos protesta.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa hita at nagpapagaling na siya sa pagamutan.

Naaresto na rin ng mga otoridad ang suspek na nasa likod ng pamamaril.