-- Advertisements --

Nakausap na ni dating PBA player Roger Yap si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ito ay may kaugnayan sa alegasyon na pinagsisigawan niya umano ang ilang barangay officials ng Mangahan, Pasig na namimigay ng mga relief goods.

Roger Yap
Roger Yap/ FB image

Dagdag pa ng 42-anyos na si Yap na nagkaroon lamang ng hindi pagkakaintindihan sa ginawa nito.

Paglilinaw pa nito na hindi niya umano pinagsisigawan ang mga ito at sa halip ay sinabihan na dalhin na lamang sa bawat bahay ang mga relief goods at huwag ng papilahin gaya ng naging utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi pa nito na naging maganda ang pag-uusap nila ng alkalde kung saan humingi rin ito ng paumanhin sa kaniya.

Pumayag din ang alkalde na magkaroon sila ng basketball clinic pagkatapos na ng coronavirus pandemic.

Magugunitang isa si Yap na tinukoy ni Sotto bagamat hindi pinangalanan na nanigaw umano sa ilang barangay opisyal na namimigay ng mga relief goods.

Si Yap ay 16- na taon na naglaro sa PBA kung saan ilan sa mga koponan na kinabibilangan nito ay Purefoods, FedEx, Shell, San Miguel at Barako Bull.