-- Advertisements --
Pinayagang makapagpiyansa ng anti-terrorism court sa Islamad si dating Pakistan Prime Minister Imran Khan sa ilang kasong kinakaharap niya.
Ayon sa korte na makakalaya lamang ang dating prime minister ng hanggang Hunyo 8 dahil sa kasong may kinalaman sa karahasan sa court complex noong Marso.
Ang asawa naman nito na si Bushra Bibi ay napayagan ng protective bail ng hanggang Mayo 31 dahil sa corruption case nito ng National Accountability Bureau (NAB) court.
Aabot sa 150 na kaso ang kinakaharap ng dating prime minister mula ng mapatalsik siya sa puwesto noong Abril 2022.
Una ng mariing pinabulaanan ni Khan ang lahat ng mga reklamong ibinabato laban sa kaniya.