-- Advertisements --

Hinatulan ng karagdagang tatlong taon na pagkakakulong kasama ang hard labor ang dating lider na ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.

Ito ay matapos napatunayan ng korte na guitly sa pandaraya sa halalan.

Ang nasabing kaso ay may kinalaman sa halalan noong Nobyembre 2020 kung saan nagwagi sa pamamagitan ng landslide ang kaniyang partido na National League for Democracy laban sa partido ng mga militar.

Subalit matapos ang tatlong buwan ay kinamkam ng military ang pamumuno para maiwasang makabuo si Suu Kyi ng kaniyang gobyerno.

Mariing pinabulaanan ni Suu Kyi ang nasabing alegasyon.

Noong nakaraang buwan ay hinatulan ng korte ang Noble Peace Prize winner na makulong ng anim na taon dahil sa four counts of corruption.

Dahil dito ay aabot sa 17 taon na ito ng makukulong.