Inaresto ang dating manager ng pumanaw na Marvel Comic legend Stan Lee na si Keya Morgan dahil sa alegasyon ng pang-aabuso, pagnanakaw at false imprisonment.

Ayon sa Los Angeles Police District, iimbestigahan nila ang reklamo laban kay Morgan at pag napatunayan ay kaagad itong sasampahan ng kaso.

Noong nakaraang taon ay humingi ng restraining order ang dating abogado ni Lee na si Tom Lallas dahil sa pagpapakilala ni Morgan na siya ang caregiver ng pumanaw na Marvel Comic legend.

Sinamantala din ni Morgan ang pagka-ulyanin ni Lee at kinuha ang yaman nito na hindi bababa ng $50 million.

Inaresto na rin ito ng Los Angeles Police dahil sa pekeng 911 call ng sabihin nasa binggit ng kamatayan ang buhay ni Lee.

Ang 95-anyos na si Lee ay pumanaw noong nakaraang taon dahil sa iba’t-ibang sakit. Nakilala siya sa paggawa ng sikat na superheroes na sina Spider-Man at Black Panther.