-- Advertisements --

Patuloy na nagpapagaling si dating Malaysian Prime Minister Mahatir Mohamad matapos na itakbo ito sa pagamutan.

Ito na ang pangatlong beses na dinala sa pagamutan ngayong buwan ang dating prime minister.

Ayon sa kaniyang anak na babae na nagiging maganda na ang kalagayan ng ama.

Dagdag pa nito na naging maganda ang resulta ng elective procedure sa puso nito si Mohamad sa pangangasiwa ng mga doctor ng National Heart Institute sa Malaysia.

Sinabi naman ng tagapag-salita ng 96-anyos na prime minister na naka-confine ito ngayon sa Cardiac Care Unit.

Umabot sa 24 taon itong namuno sa Malaysia ng dalawang magkahiwalay na termino na tinaguriang pinakamahabang prime minister na namuno sa kanilang bansa.

Taong 2007 na ng sumailalim na siya ng quadruple bypass matapos ang tatlong beses na pagkaatake sa puso noong 1989 at dalawa noong 2006.