President Almazbek Atambayev
President Almazbek Atambayev

Tinawag na politically-motivated ni dating Kyrgyztan President Almazbek Atambayev ang mga alegasyong kurapsyon na ibinabato sa kaniya.

Kasunod ito ng pagkakaaresto niya sa kaniyang bahay.

Boluntaryo na itong sumuko sa mga otoridad matapos ang ilang oras na standoff.

Unang tinangka ng mga special forces na lusubin ang bahay ni Atambayev subalit ito ay pinaligiran ng mga supporters nito.

Dinukot ng mga supporters ang anim na sundalo at ito ay pinakawalan din.

Gumamit pa ng armoured vehicles ang mga kapulisan para mapasok ang bahay ng dating pangulo sa Koi Tash village.