ILOILO CITY- Hindi pinalampas ni former Iloilo City First Lady Maria Victoria Mabilog ang mga patutsada sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address.

Ito ay kasunod ng pagsabi ng pangulo na binabato siya ng mga maaanghang na salita ni Mrs. Mabilog dahil sa pagdawit sa kanyang mister na si dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sa narco list at sa mga opisyal na sinibak sa pwesto.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mrs. Mabilog, sinabi nito na maliban sa pagtulog, wala nang ginagawang mabuti ang pangulo.

“Apparently, aside from sleeping, he’s got no other better things to do. You are the president of the Philippines.”

Anya ang drug list na inilabas ni Duterte ay kahalintulad lang ng fake P15.00 bill na walang halaga.

“Your drug list is as fake as a 15-peso bill. It’s not even worth the toilet paper it’s written on. Move on.”