Nagpositibo sa coronavirus 2019 o COVID-19 ang dating Hollywood producer Harvey Weinstein.

Sinabi ni Michael Powers, pangulo ng New York State Correctional Officer at Police Benevolent Association, nasa-isolation room na ito.

Naka-quarantine na rin ang ilang mga staff na nakasalamuha nito.

Magugunitang napatunayang guilty si Weinstein dahil sa rape at sexual assault noong nakaraang taon at hinatulang makulong ng 23 taon.

Kasalukuyang nasa Wende Correctional Facility ito sa Buffalo upstate New York.