-- Advertisements --
Naghain ng not-guilty plea sa dalawang kasong krimen si dating FBI Director James Comey.
Ayon sa abogado nito na si Patrick Fitzgerald na plano nilang maghain ng motions para tuluyang mabasura ang kaso.
Giit ito na ang prosecution ay dinala mismo ni US President Donald Trump para gipitin si Comey.
Sakaling mahatulan sa kasong false statements and obstructing a congressional proceeding ay makukulong siya ng hanggang limang taon.
Gaganapin ang oral arguments sa Nobyembre at Disyembre habang ang pagdinig ay sa Enero 5.