-- Advertisements --
Pumanaw na si dating European Commission President Jacques Delors sa edad na 98.
Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Martine Aubry kung saan hindi na siya nagising sa kaniyang pagkakatulog dahil na rin sa edad.
Itinuturing si Delors bilang architect of the modern EU.
Siya ang tumulong para makabuo ng single market na papayagan ang malayang paggalaw ng mga tao, produkto at serbisyo.
Naupo siya sa nasabing puwesto mula 1985 hanggang 1995 kung saan siya ang naglatag ng groundwork para sa single European currency na Euro.