Lester Prosper
Lester Prosper

Isa ng naturalized player ng Indonesia ang dating import ng Columbian Dyip na si Lester Prosper.

Sasabak rin siya sa koponan ng Indonesia na sasabak sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa.

Pinalitan ni Prosper si Denzel Bowles na nabigong maging naturalized player ng Indonesia.

Ipinagmalaki pa nito na handa nitong ibahagi ang kaniyang kaalaman sa paglalaro.

Ibinunyag pa nito na mismong si Indonesian coach Rajko Toroman ang lumapit sa kaniya para maging manlalaro ng Indonesia.