Bumuhos mula ang pakikiramay mula sa dati at kasalukuyang opisyal ng gobyerno dahil sa pagpanaw ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario sa edad 83.
Kinumpirma ng kaanak ni Del Rosario ang pagpanaw nitong araw ng Martes subalit hindi na nagbigay pa ng ibang mga detalye.
Nangunang nagpahayag ng kalungkutan ang Management Association of the Philippines kung saan naging miyembro si Del Rosario sa loob ng 45 taon.
Bago ang kaniyang appointment sa DFA sa ilalim ng namayapang Pangulong Benigno Aquino III, ay naging Philippine Ambassador to the US ito sa ilalim ni dating Pres. Gloria Macapagal Arroyo.
Naging DFA Secretaray mula Pebrero 2011 at bumaba sa puwesto noong Marso 2016 dahil sa sakit.
Naging susi ang dating kalihim ng maipanalo ng Pilipinas ang pinag-aagawan isla sa West Philippine Sea.