Alan Peter Cayetano
Alan Peter Cayetano/ FB post

Pormal ng naiproklama bilang bagong kongresista ng ikalawang distrito ng Taguig si dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Pasado 12 madaling araw ng Miyerkules ng maiproklama ang dating senador.

Nakakuha ito ng kabuuang 112,535 na boto habang ang kaniyang katunggali na si Che Che Gonzales ay mayroong 41,763 na nakuhang boto.

Magugunitang tumakbo rin bilang pangalawang pangulo si Cayetano kasama si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections.