-- Advertisements --
Iniulat ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Gregorio Larrazabal na ito ay tatakbo sa pagka-congressman sa probinsiya ng Leyte sa susunod na taon.
Sinabi nito na matagal na ang kaniyang desisyon na tumakbo sa pagka-congressman sa ika-apat na distrito ng Leyte.
Si Larazabal ay naging Comelec commissioner mula 2009 hanggang 2011.
Nagsimula ito bilang provincial supervisor ng Comelec sa Bulacan noong 2004.
Noon pang 2013 ay marami na ang humihikayat sa kanya na tumakbo sa gobyerno subalit kaniya itong tinanggihan.