-- Advertisements --
Pumanaw na ang dating Chinese communist leader na si Jiang Zemin sa edad na 96.
Ayon sa kampo ng dating state president na bukod sa leukemia ay pumanaw ito dahil sa multiple organ failure.
Nagpaabot ng pakikiramay ang mga lider at mamamayan ng China dahil sa pagpanaw ni Jiang.
Nanguna si Jiang sa matagumpay na pagpapakilala ng China sa international community ng sila ay iwasan ng mga Western countries matapos ang 1989 Tianamen Square massacre.
Dahil din sa kaniya ay nabawi ng China ang soberanya sa Hong Kong para makuha ang 2008 Olympics sa Beijing.