illegal logs
-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Inaresto ng mga pulis ang dating barangay kapitan sa Pagalungan sa lungsod ng Cagayan de Oro dahil umano sa kaso nitong illegal logging.

Kinilala ang suspek na si Crisostomo Villarin, 73-anyos na residente sa naturang lugar.

Sinabi ni Lumbia Police Station commander PCpt. Valentines Baja na nangyaring ang kaso noon pang taong 1992 kaya’t hindi na inakala ng suspek na may lalabas pa na warrant of arrest laban sa kanya.

Ayon kay Baja, kasamang nahuli ang driver ng dating opisyal na si Aniano Latada, 70, nakatira sa Brgy Tagpangi sa kaparehong siyudad.