-- Advertisements --

Nabigo si dating Alaskan Governor Sarah Palin sa isinagawang special congressional election sa Alaska.

Tinalo ito ni Democrat Mary Peltola si Palin para maging kauna-unahang Native na magsilbing mambabatas sa kongreso ng nasabing estado.

Mary Peltola
MARY PELTOLA

Naganap ang special election matapos ang pagpanaw ng kongresista sa nasabing esado.

Si Palin ay naging governor ng Alaska mula 2006 hanggang 2009.

Nakakuha si Peltola ng 91,206 na boto o 51.5 percent habang si Palin ay mayroong 83,987 o katumbas ng 48.5 percent.

Magugunitang noong 2008 ay tumakbong vice president ng US ang 58-anyo na si Palin kung saan tinalo siya ni Dick Cheney.