Krista Ranillo
Krista Ranillo/ IG post

Isinilang na ng dating actress na si Krista Ranillo ang kanilang ika-limang anak ng asawang si Niño Lim.

Sa kaniyang social media post makikita ang larawan ng sanggol at pinasalamatan nito ang mga nagdasal para sa kaligtasan ng kaniyang panganganak.

Ang panganay ng dalawa ay walong anyos na si Nate, na sinundan ni Nolan na anim na taon, Natalie na limang anyos at dalawang anyos na si Nash.

Pinagpipilian ngayon ng dalawa ang pangalan na si Nigel at Myles.