-- Advertisements --

Inanusiyo ng organizer ng Eurovision Song Contest ang ilang mga pagbabago sa botohan para sa susunod na taon.

Tinanggal na nila sa semi-finals ang professional juries.

Ibig sabihin nito na tanging mga viewers lamang ang mamimili kung sino ang kuwalipikado para sa grand final.

Sa unang pagkakataon rin ay kasama rin na makakaboto ang mga bansa na hindi kabilang sa contest.

Ang nasabing hakbang ay isinagawa matapos ang madiskubre na anim na mga judges ang nagpalitan ng kanilang boto ngayong taon na ginanap sa Turin, Italy.