-- Advertisements --

Inatasan ng isang mataas na opisyal ng European Union ang kanilang mga kaalyadong bansa na dapat bilisan nila ang pagbibigay ng mga tangkeng pandigma sa Ukraine.

Sinabi ni EU high representative for foreign affairs Josep Borrel na dapat gayahin ng ibang bansa ang Germany nagpadala ng mga tanke sa Ukraine.

Giit nito na kailangan ng Ukraine ang mga tangke na gagamitin para tuluyang mapalayas ang puwersa ng Russia.

Mahalaga aniya na dapat ay bilisan ng mga bansa ang pagbibigay ng mga tangke bago mahuli aniya ang lahat.