Maari ng makabisita sa mga bansa sa Europa ang mga mamamayan ng US.
Ito ay matapos na tanggalin ng European Union ang travel restrictions sa mga non-essential travels mula sa 14 na bansa kabilang ang US.
Sa inilabas na kalatas ng European Council na kanila ng tatanggalin ang mga travel restrictions sa mga bansa na kinabibilangan ng Albania, Australia, Israel, Japan, Lebanon, New Zealand, Republic of North Macedonia, Rwanda, Serbia, Singapore, South Korea, Thailand, USA at China.
Ang nasabing mga bansa aniya na napili ay ibinase sa epidemiological situation at overall response laban sa COVID-19.
Paglilinaw pa ng EU na bawat bansa na kanilang sakop ay may mga panuntunan na ipinapatupad at mga hinihingi na mga karagdagang requirements gaya ng mga mandatory quarantine period, negative PCR-test at proof of vaccination.
Noong 2019 kasi ay mayroong 36 milyon trips ang mga US travelers sa Europe at ito ay bumagsak sa 6.6 milyo noong nakaraang taon dahil sa epekto ng COVID-19.
















