-- Advertisements --
Nanawagan ang European Union na dapat mabigyang ng mga pagkain, tubig at mga gamot ang mga sibilyan na nasa Gaza.
Sinabi ni EU Commission spokesperson Peter Stano na hindi naman kinukuwestyon ang pagtanggol ng Israel sa kanilang bansa subalit huwag sanang kalimutan na sumunod din sa international humanitarian law.
Una ng nananawagan ang United Nations na dapat ay mabigyan ng daan ang mga sibilyan sa Gaza na naiipit sa kaguluhan.
Gumagawa rin ng hakbang ang EU para tuluyang mapalaya ang mga bihag ng Hamas.