-- Advertisements --

Nanawagan si European Union foreign policy chief Joseph Borrell ng mga suplay ng tubig at kuryente sa Gaza.

Sa kaniyang talumpati sa EU Foreign affairs meeting sa Luxembourg, sinabi nito na nasagad na aniya ang mga suplay ng tubig at kuryente.

Dagdag pa nito na may karapatan ang Israel na ipagtanggol naman ang kaniyang sariling bansa.

Subalit hindi na makatao ang putulan pa ng suplay ng tubig at kuryente ang mga nasa Gaza na sila ay nadadamay na sa kaguluhan.

HIndi aniya sapat ang mga trucks na pinapayagang makadaan sa Egypt papuntang Gaza.

Labis itong naaawa sa mga naninirahan sa Gaza dahil sa sila ay naiipit sa mga kaguluhan.