-- Advertisements --

Muling pumasok sa kasunduan ang Britanya at European Union sa bagong trade rules sa Northern Ireland.

Ang nasabing kasunduan ay maaring maresolba na ang isyu sa imports at border checks sa Northern Ireland na isa sa pinaka-challenging at kontrobersiyal na aspeto sa pagkalas ng United Kingdom sa European Union.

Ayon kay British Prime Minister Rishi Sunak na ang bagong kasunduan na tinawag na “Windsor Framework” ay magbibigay ng “smooth flowing trade” sa UK at mapoprotektahan ang lugar sa Northern Irleand sa UK at ang soberanya ng Northern Ireland.

Inamin ni European Commission President Ursula von der Leyen na nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng UK at EU mula ng Brexit.

Para mapunan ang problema ay kailangan nila ng bagong partnership at ang kinakailangan na solusyon.

Dahil sa bagong kasunduan ay magkakaroon na ng update sa arrangement o kilala bilang Northern Ireland Protocol na pinirmahan noon sa Brussels ni dating Prime Minister Boris Johnson.