CAUAYAN CITY- Patay na ng matagpuan ang isang nawawalang dalagita sa irigasyon na malapit sa kanilang bahay na nasasakupan ng Barangay Bella Luz, San Mateo, Isabela
Ang biktima ay si Princess Diane Corpuz , 13 anyos, Grade-8 student at residente ng naturang barangay.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa kapatid ng biktima na si Michael Corpuz na dinala niya sa pagamutan ang kanyang asawa para ipasuri at iniwan nila ang biktima na nag-aaral at sinasagot ang kanyang mga module.
Noong gabi ng Lunes ng hindi na niya madatnan sa kanilang bahay ang kapatid na kanyang hinanap ngunit hindi niya nakita.
Kinaumagahan nang ipagbigay alam sa kanila na natagpuang wala nang buhay sa isang irigasyon l na 300 metro ang layo mula sa kanilang bahay ang kanyang kapatid
Nang iahon ang biktima mula sa irigasyon canal ay walang nakitang anumang sugat sa katawan gayunman ay napansin na wala na itong panloob na kasuotan at nakababa rin ang kaniyang short pants…
Sa ngayon ay hinihinatay pa ang resulta nang pagsusuri na isinagawa ng Scene Of the Crime Operatives upang matukoy ang naging sanhi ng pagkamatay ng dalagita.
Ang biktima ay ulila na sa ina at bagamat may ama pa ay pansamantalang nakatira at nasa pangangalaga ng kanyang nakakatandang kapatid na si Michael.
Nagsasagawa pa rin ng pagsisiyasat ang mga kasapi ng San Mateo Police station upang matukoy ang sanhi at ang posibleng suspect na may kinalaman sa pagkamatay sa dalagita.