Inianunsyo ngayon ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na mayroong inihahandang Executive Order (EO) ang Malacañang para masolusyunan ang problema sa kakulangan ng supply ng malinis na tubig hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Sinabi ni Sec. Norgales, nagtutulong-tulong ang ilang tanggapan ng pamahalaan para makabuo ng isang Executive Order para mabigyang solusyon ang matagal nang problema sa tubig at mapigilan ang paglala nito.

Ayon kay Sec. ni Nograles, kabilang ang paglalabas ng EO sa pagsasapinal ng Philippine Development Plan 2017-2022 kung saan ay kasama ang supply ng tubig sa mga kailangang ayusin.

Inihayag din ni Sec. Nograles na maraming mapagkukunan ng tubig sa bansa pero ang kailangan ay mahusay na management ng mga water-related services ng gobyerno.

Nilinaw din nitong bago pa man lumutang ang problema sa supply ng tubig sa Metro Manila ay ginagawan na ng mga nararapat na hakbang ng Economic Cluster at Cabinet Assistance System ang problema sa distribusyon at supply ng tubig sa bansa.

“Even before parts of NCR suffered water supply problems, the Economic Cluster and the Cabinet Assistance System (CAS) was already working on an issuance that would help the government better resolve the many issues involving the supply and distribution of water,” ani Nograles.