NAGA CITY – Patay na nang matagpaun ang isang mechanical engineering student matapos ibitin ang sarili sa puno ng mambog sa Zone 3, Barangay Loob, Gainza, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Joven Torrente, 21, 4th year mechanical engineering student sa Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BISCAST) sa lungsod ng Naga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na natagpuang wala ng buhay si Torrente na nakabitin sa mambog tree gamit ang nylon rope na itinali sa kanyang leeg.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing pangyayari.