-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ang isang personahe ng Roads and Traffic Administration (RTA) sa isinagawang drug buy bust operation sa Burgos Street, Brgy 7 sa lungsod.

Kinilala ang suspek na si Charlito Elevera, 33, may asawa at residente sa Sto. Niño, Brgy Lapasan.

Napag-alamang naging beneficiary si Elevera sa Social Amelioration Program (SAP) kahit nagtatrabaho siya sa ahensiya ng gobyerno.

Sinabi ni RTA spokeperson James Andrade na paulit-ulit na silang nananawagan sa kanilang mga kasamahan na naligaw ng landas na iwananan na ang iligal na gawain.

Una na ring sinabi ni Andrade na magsasagawa sila ng surprise drug testing sa kanilang mga kasama bunsod na rin ng pagdami ng mga road enforcers na nahuhuli dahil sa bawal na gamot.