-- Advertisements --
Lumaki pa ang tyansa ng landfall ng tropical depression Emong sa mga isla sa extreme Northern Luzon.
Ayon kay Pagasa forecaster Chris Perez, posibleng maitala ang pinakamalapit na lokasyon ng bagyo mamayang hapon.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 315 km sa silangan ng Aparri, Cagayan.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 40 kph.
Taglay ng bagyong Emong ang lakas ng hangin na 55 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 70 kph.
Sa kasalukuyan, nananatili ang signal number one (1) sa Batanes at northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga), kasama na ang Babuyan Islands.