-- Advertisements --

Napanatili ng tropical depression Emong ang taglay nitong lakas ng hangin habang nananatili sa silangang bahagi ng ating bansa.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 575 km sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ang naturang sama nang panahon nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 40 kph.

Sa ngayon, nakataas ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa Batanes at northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga), kasama ang Babuyan Islands.

Samantala, patuloy na binabantayan ng Pagasa ang isang low pressure area (LPA) sa layong 375 km sa kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro.