Reading Time: 1 minute

Ipinagtanggol ni Sir Elton John mula sa mga batikos ang mag-asawang sina Prince Harry at Meghan Markle dahil sa paggamit ng mga ito ng private jets.

Bgao ito, inakusahan ng ilang mga environmental campaigners na mga ipokrito ang Duke and Duchess of Sussex dahil sa apat na beses umano silang gumamit ng private jets sa loob lamang ng 11 araw, kabilang na sa biyahe sa tirahan ni Sir Elton sa France.

Puna ng ilan, taliwas daw ito sa adbokasiya ng royal couple ukol sa climate change, dahil sa isa ang aviation sa itinuturing na major polluters sa mundo.

Pero ayon sa British singer, ipinagamit nito sa mag-asawa ang kanyang private jet upang mapanatili ang mataas na lebel ng proteksyon na kailangan ng mga ito.

“I am deeply distressed by today’s distorted and malicious account in the press surrounding the Duke and Duchess of Sussex’s private stay at my home in Nice last week.

“Prince Harry’s mother, Diana Princess of Wales was one of my dearest friends. I feel a profound sense of obligation to protect Harry and his family from the unnecessary press intrusion that contributed to Diana’s untimely death.

“After a hectic year continuing their hard work and dedication to charity, David and I wanted the young family to have a private holiday inside the safety and tranquillity of our home.

“To maintain a high level of much-needed protection, we provided them with a private jet flight.”

Tumanggi namang magkomento rito ang Buckingham Palace.