Sumama na si British pop singer Elton John sa panawagan na huwag tangkilikin ang mga hotel na pag-aari ng sultan ng Brunei.

Elton John/IG post

Kasunod ito ng marahas na pagpaparusa sa pamamagitan ng pagbabato hanggang mamatay sa mga napatunayang nasasangkot sa gay sex.

Nauna na ring nagpahayag nang pag-boycott ang actor na si George Clooney.

Sabi ng 72-anyos na singer, pinasasalamatan niya si Clooney sa pagkontra rin sa batas.

Sinabi nito na ang pagtrato sa mga gay ay hindi katanggap-tanggap.