Magsasagawa ng benefit concert para sa mga medical professionals ng America ang beteranong singer na si Elton John.

Ipapalabas ang nasabing concert sa March 29 sa cable channel sa US kung saan ang kikitain dito ay ilalaan sa mga front line health care workers na lumalaban sa coronavirus pandemic.

Makakasama niya sa concert sina Alicia Keys, Backstreet Boys, Billie Ellish, Billie Joe Armstrong, Mariah Carey at Tim McGraw.

May kaniya-kaniyang video ang mga performers sa kanilang bahay at doon sila live na magtatanghal.