-- Advertisements --
Itinanggi ni Elon Musk na nakausap niya si Russian President Vladimir Putin.
Kasunod ito sa social media post ni Musk ukol sa suhestiyon niya na pagtapos ng giyera sa Ukraine.
Dagdag pa nito na huling nakausap niya si Putin ay noon pang 18 buwan ang nakakaraan.
Noong nakaraang linggo kasi ay tinanong ng Tesla CEO ang kaniyang 107.7 milyon followers kung ano ang magandang paraan para matapos na ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Nagpasalamat naman si Kremlin spokesman Dmitry Peskov dahil sa pagtulong ni Musk para tuluyan ng matapos ang giyera sa Ukraine.