-- Advertisements --

Masayang ipinamahagi ng sexy actress Ellen Adarna na ‘engaged’ na ito sa actor na si Derek Ramsay.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan habang mayroong nakalagay na isang engagement ring.

Mayroon pang larawan kung saan halos mangiyak ito dahil sa harap ng karatula na nakasulat ang “Will You Mary Me”.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay inanunsiyo ng dalawa ang kanilang relasyon kung saan inamin ng actor na ang actress ang nais nito ng makasama sa buhay.

Nakatakdang magdiwang ng ikalawang buwang anibersyo ang dalawa sa susunod na buwan.