Patok ngayon sa mga social media platform ang kantang ”Multo” ng Cup of Joe, dahil makikita ang star-studded na sina Elijah Canlas at Miles Ocampo sa nasabing music video.
Sa isang panayam ibinahagi ni Elijah ang saya ng muling makatrabaho si Miles.
“Enjoy kami, kasi bihira lang kami magkatrabaho. I think the last time was sa The Iron Heart, so ngayon lang ulit. Syempre, I really respect her as a co-actress,” ani Elijah.
Kwento pa niya, naging mas masaya ang proyekto dahil magkakaibigan ang artist, direktor, at cinematographer.
Ibinahagi rin ng award-winning actor ang kanilang professional at relaxed na working dynamic kung saan “Chill lang” umano sila.
Matapos mapansin ng netizens ang tila closeness nilang muli, nilinaw ni Elijah na walang dapat isiping malalim sa mga nakikita online.
Dagdag pa niya, “Okay na okay kami.”
Matatandaang kinumpirma ni Elijah noong 2023 ang kanilang hiwalayan matapos ang relasyon noong 2022. Ngayong taon, umugong ang balitang sila ay muling nagkabalikan, na mas pinatibay pa ng kanilang onscreen at offscreen chemistry.