-- Advertisements --
Hindi maiwasang maging emosyonal si 4th District Leyte Representative Richard Gomez matapos ang pagbabalik nito sa paggawa ng pelikula.
Kabilang ang actor-politician sa pelikulang “Salvageland” na pinagbibidahan din ni Elijiah Canlas.
Sinabi nito na tila isang reunion sa pinagmulan ang pakiramdam dahil sa matagal na itong hindi nakagawa ng pelikula.
Naging abala ito sa pulitika ganun din sa pagtatayod sa pamilya.
Ipapalabas ang pelikula sa Nobyembre 26 kung saan kasama rin dito si Mon Confiad, Cindy Miranda , McCoy de Leon at Angela Morena.
















