-- Advertisements --

Bahagyang lumago ulit ang ekonomiya ng Pilipinas para sa third quarter ng 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Pero ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, mas mabagal ang paglago ng ekonomiya noong third quarter ng kasalukuyang taon kumpara sa naunang period.

Ito ay dahil na rin sa reimposition ng striktong lockdowns bunsod ng paglaganap ng mas nakakahawang Delata COVID-19 variant.

Sa third quarter ng taon, sinabi ni Mapa na lumago ang gross domestic product (GDP) ng bansa ng 7.1 percent, mas mababa sa revised 12 percent growth na naitala noong second quarter ng 2021.

Ang year-to-date GDP ng bansa ay lumago naman ng 4.9 percent, pasok sa revised target band ng pamahalaan na 4 percent hanggang 5 percent para sa buoang 2021.

Ayon kay Mapa, kailangan na lamang lumago ng ekonomiya ng 5.3 percent sa fourth quarter ng taon para maabot ang upper end ng full-year growth coal ng pamahalaan