-- Advertisements --
Mabilis na nakabangon ang ekonomiya ng China sa unang quarter ng 2021 isang taon matapos ang pananalasa ng COVID-19.
Naging susi dito ang malakas na pangangailangan sa kabahayan at ibang bansa ganun din ang patuloy na suporta ng gobyerno.
Sa inilabas na datos na mayroong 19% ang pagtaas ng gross domestic product (GDP) sa unang quarter matapos ang 6.5% expansion noong last quarter ng 2020.
Magugunitang naging strikto ang pagbabantay na ginawa ng China para tuluyang hindi na kumalat pa at maminsala ang virus na siyang naging malaking tulong sa ekonomiya ng China.
















