-- Advertisements --

Umakyat na sa pangalawa sa buong mundo ang ranking ni Filipino pole vaulter EJ Obiena.

Mula sa dating number 3 ay nahigitan na nito si Chris Nilsen ng US.

Mayroong kabuuang 1,432 ranking points na kasi Obiena na mas lamang ng apat na puntos kay Nilsen.

Nananatiling nasa unang puwesto naman si Mondo Duplantis ng Sweden na mayroong 1,569 points.

Sa social media post ni Obiena ay nagpasalamat ito sa lahat ng mga nakasama at mga fans na naniniwala sa kaniyang kakayahan.