-- Advertisements --

Kinilala ng Guinness World Records ang Eiffel Tower na gawa sa matchstick.

Ang 23 talampakan na matchstick tower ay ginawa ni Richard Plaud ng Montpellier-de-Médillan, France.

Ginawa ng 47-anyos ang nasabing tower sa loob ng walong taon.

Binubuo ito ng 706,900 na palito ng posporo at 23 kilos na glue.

Noong una ay dinisqualified ito ng Guinness dahil sa gawa umano ito sa ibang uri ng posporo.

Subalit matapos ang isang araw ay kanilang binawi ito.

Dahil dito ay tinalo niya ang unang may hawak ng record na si Toufic Daher mula Lebanon na mayroong taas na 21 talampakan sa Eiffel Tower noong 2009.