-- Advertisements --

Tuluyan nang natanggal mula sa pagkabara sa Suez Canal ang giant container ship na MV Ever Given.

Nagtulong-tulong ang mga tug boats para matanggal ang 400 meter na haba na barko na halos isang linggo na ang pagkakasadsad.

Umaasa ang mga otoridad na maibabalik na sa normal ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

ever given Evergreen suez canal
Satellite image of MV Ever Given in Suez Canal © 2021 Maxar Technologies

Itinuturing kasi na ang Suez ang siyang busiest trade routes kung saan napipilitan ang mga barko na umikot na nagdudulot ng pagkaantala ng mga biyahe.

Matapos na muling ma-refloat ang barko ay agad itong hinila at dinala sa labas ng channel para sa karagdagang inspections.

Makaraan ang tagumpay sa pagkatanggal ng barko ay sabay-sabay na nagbusina ang mga tugbat bilang pagdiriwang.

Pinasalamatan naman ni Egyptian President Abdul Fattah ang lahat ng mga tumulong sa nasabing pagtanggal sa dambuhalang barko.

Aabot sa 30,000 cubic meters na mga buhangin ang nahukay ng mga otoridad gamit ang 11 harbour tugs at dalawang powerful seagoing tugs.

Tinanggal din ang nasa 18,000 na containers ng barko para ito ay gumaan.