-- Advertisements --

Nagkasundo ang Egypt at Jordan sa pagpapalayas sa mga Palestino sa Gaza.

Sa ginawang pag-uusap sa Al-Ittihadiya, Egypt nina President Abdel Fattah El-Sisi ng Egypt at King Abdullah II ng Jordan ay labis nilang kinokontra ang anumang pagtatangka sa pagpapalayas sa mga Palestino.

Kapwa rin nanawagan ang dalawang lider ng agarang tigil putukan para mapayapagan ang pagdaan ng mga humanitarian aid sa lugar.

Ipinanawagan din nila ang pantay at komprohensibong solusyon sa nagaganap na kaguluhan sa nasabing lugar.

Ilan sa mga suhestiyon nila ay ang pagbuo ng independent Palestinian state sa 1967 borders na ang East Jerusalem bilang kanilang capital.

Ang nasabing pagpupulong ay isinagawa ilang araw ng ipalutang ng Egypt ang bagong peace plan na tinanggihan naman ng Hamas at Islamic Jihad.

Magugunitang noong Nobyembre ay kasama ng Egypt at Qatar na nangasiwa ng temporaryong ceasefire na nagresulta sa pagpapalaya ng ilang mga bihag.