Lalo pang lumakas ang bagyong Egay at iniakyat na ito sa typhoon category.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 565 km silangan ng Baler, Aurora.
May taglay itong lakas ng hangin na 140 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 170 km/h.
Kumikilos ang naturang sama ng panahon nang pakanluran sa bilis na 15 km/h.
Nakataas ang Signal No. 2: Sa Southeastern portion ng Isabela (Palanan, Dinapigue) at northeastern portion ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto).
Umiiral naman ang Signal No. 1: Sa Batanes, Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, northern portion ng Pangasinan, Aurora, northern at eastern portions ng Nueva Ecija, northern at southeastern portions ng Quezon including Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, natitirang bahagi ng Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate habang sa Visayas naman ang Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran.
Manatiling nakatutok sa mga update ng Bombo Radyo PH para sa banta ng paparating na bagyong Egay.